Thursday, March 12, 2009
HUSTISYA PARA KAY RICKY
Tahasang inamin ng New People's Army na sila ang responsible sa pagpatay sa isang kinse anyos na lalaki na si Ricky Roman sa Barangay San Roque sa bayan ng Bacon sa Sorsogon ilang araw bago sumapit ang pasko noong Disyembre 2008. Ang pahayag na nagmula sa isang Ka Samuel Guerero ay makokonsiderang isang patunay na ang mga rebelde ay nagpapataw ng summary executions sa kanilang hanay tulad ng kanilang pilitang ibinibintang sa mga militar at pulis sa ilang mga kilalang lugar dito sa ating bansa.
Ang mas nakakalungkot sa nangyari ay natatakot ang mga magulang at kamag-anak ni Ricky na magsampa ng kaso laban sa mga rebeldeng gumawa ng krimen laban sa kanilang menor de edad na anak. Mas gusto nilang manahimik marahil dahil sa takot na baka sila ang susunod na tatambangan ng mga NPA kung sakaling magsampa sila ng kaso laban sa una. Hindi lang pala ang pamilya ng mga nabiktima ng mga militar at pulis sa kanilang diuman'y political killings ang nangingimi sa pagsasampa ng kaso upang makakuha ng hustisya para sa kanilang mahal sa buhay kundi pati na din ang mga naging biktima ng NPA. Kung ganito na lang ang nangyayari sa ating paligid ay saan na pupulutin ang mga kawawang biktima kung wala silang papupuntahan?
Ano ba ang meron si Ricky at mistulang natakot ang mga NPA sa menor de edad upang sila ay magdesisyon na patayin siya? May nalalaman bang mahalagang sekreto ang bata na ikasisira ng samahan kung kaya't siya ay tuluyan ng pinatahimik?
Dapat siguro ay pabalikin natin sa bansa ang representante ng United Nations na si Philip Alston upang direktang imbestigahan ang pagpaslang kay Ricky Roman. Malinaw na ito ay isang paglabag sa karapatang pangtao ni Ricky at siya namang inamin ng mismong may sala. Nararapat din lamang na isang fact-finding mission ang ilunsad sa bayan ng Bacon upang makakuha ng opisyal na testimonya mula sa mga lokal na mga residente tungkol sa nagyari sa kanilang bayan gayung ayaw makipag-ugnayan ng mga magulang ni Ricky at mas gustong manahimik lamang
Bakit nga ba nararapat na gawin ang lahat ng ito gayung mga rebelde ang pumatay sa isang kapwa nila rebelde? Bukod sa pag-agaw ng karapatang pantao ni Ricky – maski siya rebelde o di kaya ay isang kriminal – malinaw na siya ay isang menor de edad at walang awang pinatay ng kaniyang mga kasama sa kilusan. Bukod kay Philip Alston, dapat din imbestigahan ni Radhika Coomraswamy, ang Special Representative to the UN Secretary General (SRSG) on Children and Armed Conflict, upang opisyal din nitong imbestigahan ang pagpatay sa isang kinse anyos na lalaki na naging miyembro ng NPA. Ang ganitong mga hakbang ay pwedeng pangunahan ng mga tao o grupo ng mga kilalang tagapaglaban ng human rights sa ating bansa.
Bukod dito, nararapat din lamang na asahan natin na mapapansin ng mga tinatawag na international human rights groups tulad ng Amnesty International, Human Rights Watch at ng Asian Human Rights Commission na naging masigasig sa pagkondena sa mga human rights violations sa bansa noong nakaraang taon, ang mga ganitong klase ng krimen. Higit lalo na sa pagkakataong ito na tahasang inamin ng mga NPA ang walang awang pagpatay kay Ricky.
Isa lamang siyang kinse anyos na lalaki na pitong ulit pinagbabaril sa katawan at iniwang nakabulagta sa kalsada na naliligo sa dugo – karapatan ni Ricky na mabigyan ng hustisya at atensyon ang kaniyang kaso maski ayaw ng kaniyang mga magulang.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment