Monday, December 28, 2009
NOYNOY NANGDADAYA SA MGA DEBATE
Marahil marami sa mga kababayan natin na sumubaybay sa isang presidential forum noong Disyembre 2 ang nakapansin kung kaya’t laman ngayon ng lumalakas na “hate campaign” ang bagitong senador na si Noynoy Aquino. Mahahalata na tila may binabasa si Noynoy sa mga unang sagot nito sa naganap na “Harapan: The ANC Presidential Forum” na dinaos sa auditorium ng University of Sto Tomas sa Maynila. Ito ay live na napanood ng milyon-milyong tao sa bansa. Kabilang sa forum ay ang anim pang presidentiables tulad nila dating Pangulong Joseph Estrada, Senador Richard Gordon, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, lider ng JIL na si Bro. Eddie Villanueva, dating Angeles City Councilor JC De Los Reyes at ang environmentalist na si Nicanor Perlas.
Sa nasabing debate ay kapansin-pansin ang pagbabago kay Senador Noynoy. Kung dati halatang nangangapa sa mga sasabihin tuwing natatanong sa kaniyang plataporma at tungkol sa mga kontrobersyal na isyu tulad ng ating nasaksihan sa “Isang Tanong, Isang Sagot” ng GMA7, sa forum ng ABS-CBN ay mistulang walang magagawang kamalian ang senador. Lahat ng tanong ay nasasagot niya ng maayos sa loob ng dalawang minuto na inilaan para sa bawat kandidato. Ilang araw lamang ang pagitan ng dalawang forums ngunit kapansin-pansin ang pagbabago ni Noynoy kung kaya’t marami ang nagsabi na ito ay binigyan ng talaan ng mga tanong ilang araw bago maganap ang forum kaya’t siya ay nakapaghanda ng mga sagot.
Usap-usapan na kung ang resulta ng survey ay naluluto nila para sa kanilang bentahe, sa pamamagitan ng kaniyang kamag-anak na si Rapa Lopa na may mataas na posisyon sa Pulse Asia, ay hindi malayong mangyari na naluto din ang forum dahil nabigyan din si Noynoy ng mga questions sa pamamagitan naman ng kaniyang kapatid na kilalang personalidad sa kumpanya ng ABS-CBN. Alam din ng taong bayan na masugid na taga-suporta ni Senador Noynoy ang mga liderato ng naturang network kung kaya’t mas nabibigyan ito ng mas malawak na coverage sa mga pag-iikot na ginagawa nito.
Hindi lamang sa forum ng GMA7 nagkalat si Noynoy. Minsan na niyang napatunayan na ginagamit lamang niya ang iniwan ng kaniyang mga magulang na legacy upang makuha ang simpatiya at boto ng tao sa inilunsad na forum ng Institute of Popular Democracy na tinawag na “Face to Face: 100 Local Government Champions vs. 4 Presidential Contenders”. Sa nasabing debate, paligoy-ligoy lamang ang kaniyang mga sagot sa mga katanungang binabato sa kaniya ngunit hindi nito direktang nasasagot ang mga isyu. Para sa lahat ng presidentiables lalo na kay Noynoy, ito ang mensahe ng bayan: bukod sa tinatawag na compassion para sa pagbabago ay dapat patunayan ng mga kandidato na sila ay may intelektwal na kakayahan upang mamuno sa bansa. Hindi madadala ang lahat sa karunungan sa english bagkus ay dapat malawak ang kaniyang kaalaman sa mga problemang bumabalot sa ating lipunan at kung paano ito mabibigyang solusyon. Kailangan ang taong marunong umaksyon at hindi nakasandal sa kakayahan ng ibang tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
I just want to tell all the Aquino supporters to better win the election by a huge margin. I really do not want to see another Edsa Revolution because Noynoy do not control the people who wants him President. I hope he will not be use to rally another Edsa Revolution because the people who wants him President is a bunch of "pi-kons."
Well, Noynoy is a good person but he promises too much. I wish he humbles himself and answer the questions he is asked during the debates.
It is so obvious that ABS CBN supports Noynoy coz his mother is responsible for bringing back channel 2 after the ouster of Marcos. Payback time now......
Post a Comment