Friday, August 21, 2009
MAR ROXAS INGGIT SA DINNER SA NEW YORK
Hanggang saan kaya balak paabutin ni Senador Mar Roxas ang mga patutsada laban kay Gloria para lamang makakuha ng pogi-points mula sa mga taong bayan na pilit niyang nililinlang? Bukod sa pagmumura sa isang rally, pag-atake sa Cheaper Medicines Bills at palabasin ang kaniyang bersyon bilang mas maganda at masunog sa bandang huli, pasuot ng kwintas na bawang sa senado at pagsasawsaw sa usaping kalusugan ni GMA ay tila may bago na namang pauso si Mr Palengke - ito ay ang busisiin ang napabalitang dinner sa isang restoran sa New York at gamitin na naman ito para sa kaniyang political strategy.
Maiintindihan sana natin ang ganitong balitaktakan kung valid issues lang ang magiging palitan sa magkabilang nag-uumpugang kampo pero masyado naman yata pinababa ng senador ang usapan sa lebel ng ordinaryong tsismis lamang dahil sa kawalan ng ebidensya sa kaniyang mga paratang. Halatadong-halatado tuloy itong si “boy bawang” na pilit nitong isisiksik ang sarili sa mga maiinit na isyu mapag-usapan lamang at mabigyan lang ng pagkakataon na makilala para sa plano niyang pagtakbo sa dadating na eleksyon.
Hindi kaya ito konektado sa naging maugong na balita dati na kaya biglang umatras si Senador Ping Lacson sa kaniya planong pagkapangulo ay dahil may namamagitang alyansa sa dalawang senador? Ito ay ang nabunyag na alyansa na papanalunin ni Ping si Mar at proproteksyunan ng naman ng huli ang una sa mga kasong kriminal kapag nakapwesto na. Eto ba ang dahilan kung bakit masyadong papansin ngayon si Mr Palengke na dati-rati naman ay hindi niya ginagawa? Mukhang nahawaan na ni Mr Exposé si Mar Roxas at siya na ngayon ang ginagawang mikropono aka spokesperson ni Ping Lacson para bigyan ng kredebilidad ang kaniyang mga patutsada kay Ate Gloria.
Alam na alam kasi ni Ping na gasgas na gasgas na ang kaniyang pangalan at ano mang pasasabugin nito laban sa kasalukuyang administrasyon ay ikakataas lamang ng kilay ng sambayanang Pilipino at iisipin na pilit niya inililihis ang usapan para proteksyunan ang kaniyang sarili.
Mag-isip sana si Senador Mar Roxas na hindi sa anu pa mang gimik politikal siya maboboto sa 2010. Hindi pagsuot ng kwintas na bawang o sa pagsawsaw sa mga isyu mapapansin ang isang kandidato dahil ito ay karaniwan na natin nakikitang ginagawa ng mga ibat-ibang presidentiables na lakas loob na humaharap sa ating mga Pilipino at lumiligaw ng boto mula sa atin. Kung gusto talaga ni Mr Palengke makapwesto sa Malacañang ay mas marapat na valid na mga isyu lamang ang kaniyang gamit sa paghamon ng balitaktakan at sa ngayon pa lamang ay ilaglag na si Ping Lacson sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang saya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment