Wednesday, February 11, 2009
OBVIOUS NA SI FG MIKE ARROYO NGA!
Malinaw na si First Gentleman Mike Arroyo ay nasasangkot sa isyu ng korapsyon ngayon. Malinaw din na si Senador Panfilo “Mr. Expose” Lacson ang siyang nag-iisang may hawak, ulit, ng mga diumano’y ebidensya na magpapatunay at tuluyang magpalubog sa asawa ni Gloria. Malinaw din sa mga pangyayari na may nagrereklamo at may inaakusahan ng pagmamanipula ng “bidding” upang makakuha ng proyekto na pipinansahan sana ng World Bank ng limpak-limpak na salapi at siyang ginagamit ngayon upang paglabu-labuin ang eksena sa pulitika.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gigil na gigil si Ping kay Mike. Ano ba meron ang asawa ni Gloria at kahit saan siyang lupalop pumunta ay sinusundan pa rin siya ng senador? Sobra naman yatang minamalas si Mike at sobra din naman yatang sinuswerte si Ping dahil lahat ng diumano’y iskandalo sa Pilipinas ay kaniyang natutuklasan at ang mga testigo na kailangan para dito ay kanya ring nahahawakan. Hindi ba malaking pera ang kinakailangan upang “protektahan” ang mga testigo dahil kailangan silang itago, pakainin at ibahay upang di makuha ng kaaway? Saan kaya kumukuha si Lacson gayung di naman niya ginagalaw ang kaniyang pork barrel?
Kung ating susuriin ang mga paratang at mga alibi ng mga inakusahan ay may makikita tayong mga bagay na hindi nagtutugma. Una, ang contractor na si Tomatu Suzuka ay nagpahayag ng isang paratang na hindi niya direktang naranasan at napatunayan na nangyayari ngunit nakakalungkot na siya namang pinagbasihan ng World Bank. Pangalawa, halatang hindi patas dahil ang inaakusahan ay hindi nabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa tamang korte. Hindi natin masasabi na mali ang WB pero kung sa tamang proseso ang nangyari at naipako na sa krus ang mga kumpanya at taong nabanggit na diumano’y may kaugnayan sa suhulan bago pa man magkaroon ng lehitimong imbestigasyon.
Ang nakapagtataka ay bakit mistulang napaka-convenient yata ng mga eksena at saktong-sakto sa kilalang misyon ni Ping Lacson laban kay Mike Arroyo – ang kaniyang pagbagsak kasama si Gloria? Hindi kaya’t nagkaroon talaga ng bayaran o suhulan? Ngunit kung ito ay sa pagitan ni Mike at mga contractors o sa pagitan ni Lacson at ng kanyang mga “paid-witnesses” para sa “bidding scandal” ay isang malaking katanungan.
Mas makikinabang tayo sa istorya kung gawing patas ang labanan. Wala muna dapat bumibida. Patas na labanan.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment