Friday, January 30, 2009
TRILLANES NAKALAYA NA!
Si Senador Antonio Trillanes IV ay nakakalabas ng kanyang selda sa Custodial Center ng Camp Crame. Ito ang natural an maiisip ng kahit sinong nakabasa ng report sa Philippine Star noong Enero 17. Nakasaad sa report na mahigit kumulang P500,000 ang ginugol ng senador para sa pagbyahe sa loob ng Pilinas noong nakalipas na anim na buwan lamang. Base sa ulat, isa sa dalawang bagay lamang ang maiisip natin: una, nakakalabas nga si Trillanes mula sa Crame at nakakagala sa buong Pilipinas; pangalawa, ang pera na idineklarang ginamit sa pagbyahe ay na “divert” o intensyonal na inilihis upang tustusan ang ibang bagay.
Kung iisipin natin, nakakapagtakang ganun na lang kalaki ang nagastos sa pondo ng senador. May mga bagay na maaaring maglalaro sa isip ng taong bayan. Una, hindi kaila sa lahat na madaming sundalo at kasamahan niya na sumali sa OAKWOOD incident ang nawalan ng hanapbuhay at nasira ang buhay dahil sa pakikiisa sa kanynang interes na ngayon ay tila siya lang ang nakikinabang...Kaya naman hindi malayong mapaisip ang taongbayan... hindi kaya ginagamit na pangtustos at pambayad ng Senador ang pera ng taong bayan para sa mga kasamahan niya na marahil ay pinagkakautangan niya ng loob sa pagsama sa kanya sa Oakwood? Nakakakonsensiya nga naman na habang siya ay patuloy na sumasahod (P43,000 na buwanang sweldo maliban pa sa ibang benefits tulad ng staff allowance at ang pamosong pork barrel) sa gobyernong kanyang kinamuhian (na ngayon ay sinalihan din naman nya) ang iba namang sundalo ay naghihirap at walang hanapbuhay – Ilang sundalo ba ang kasalukuyang nakapiit ngayon at nagtitiis na walang mapakain sa kanilang pamilya? Pangalawa, maaaring ang pera ay itinago lamang at inilalaan sa planong pagtakbo ni General Danilo LIM sa 2010. Hindi ito malayong mangyari dahil sanggang dikit ang dalawa.
Nakakapagtaka din na ang dating maingay na senador ay biglang nananahimik ngayon. Kung dati ay madalas tayo makarinig ng mga plano ni Trillanes, ngayon ay walang kaimik-imik ang mambabatas lalo na kung ito ay patungkol sa mga nabitiwan niyang mga pangako. Ang binibida niyang 155 senate house bills na kaniyang inilagda ay hindi nararamdaman ng mga taong bayan kaya sa ngayon ay wala itong saysay para sa nakakarami. Mas marami sana ang makikinabang kung ang nagastos na malaking halaga sa pagbya-byahe ay nailaan na lamang sa mga proyekto para sa tao.
Nakakalungkot na mukhang tinalikuran na ng dating nanggagalaiti na senador ang kanyang mga pangako sa taong bayan at nasilaw na sa marangyang buhay.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment