Mga minamahal naming magulang at kabataan;
Si Rose Anne Gumanoy ay isa sa mga kabataang nahikayat na sumapi sa New People’s Army o NPA. Siya ay isang biktima ng mga mapanlinlang na makakaliwa. Isa siya sa mga kabataan na dapat sana ay kabilang na ngayon sa mga produktibong mamamayan.
Si Rose Anne ay anak ni Eddie Gumanoy, isang militante na sinasabing pinaslang ng militar. Nagtamo si Rose Anne ng sugat matapos makaenwentro ang mga sundalo sa probinsya ng Quezon. Nagpagaling siya sa AFP Medical Center sa pangangalaga ng gobyerno, ngunit sa kabila nito ay ang pagsampa kasong rebelyon laban sa kanya. Sa pagkakataong ito, nagprisinta ang grupong Karapatan na tulungan siya para sa kanyang proteksyon at depensa sa korte. Taliwas sa kanyang inaasahan, pinabayaan siya ng grupo at hindi na natutukan ang kaso niya. Dahil dito, napilitan and korte na maglabas ng “arrest warrant” sanhi ng hindi pagtugon sa mga “court hearing” at dahil na din sa kapabayaan ng grupong Karapatan.
Ang grupong Karapatan ay isa lamang sa mga “legal fronts” ng CPP/NPA na ginagamit ang mga kasong tulad ng kay Rose Anne. Sinusunggaban nila ang mga kasong pwedeng palabasin na pagmamalupit ng militar upang mabiggyang dahilan na kalabanin at siraan ang gobyerno. Kailanman, hindi para sa intesest ng umanoy mga biktima ng karahasan ang kanilang adhikain, ngunit para itaguyod ang CPP/NPA at palaganapin ang rebelyon.
Isa si Rose Anne sa mga kabataang nahimok na sumali sa NPA. Kadalasan, ang pag-uudyok ay nagsisimula sa panghihikayat na makilahok sa mga kilos-protesta at mga gawaing laban sa gobyerno. Dahil sa murang pag-iisip ng mga kabataan, madaling nakukumbinsi ng mga “militant leaders” ang mga ito na makibahagi sa kanilang mga aktibidades. Kapag hinog na sa kaalaman at buo na ang loob na lumaban sa gobyerno, karamihan sa kanila ay umaanib na sa armadong pakikibaka. Dito nasasayang ang kinabukasan ng ibang kabataang nalululong sa aktibismo.
Ikaw, bilang magulang, kapatid, kaibigan o kakilala, hahayaan mo na lang ba ang iyong mga mahal sa buhay na sirain ang kinabukasan nila sa pagsisimulang makilahok sa mga kilos-protesta? Hahayaan mo na lang bang madagdagan pa ang mga kaso at pangyayaring katulad ng kay Rose Anne? Maging mapagmatyag at alerto. Alamin ang kinabibilangan na grupo ng mga minamahal nating kabataan …
No comments:
Post a Comment