Saturday, May 2, 2009

SABWATAN SA PAGITAN NG MAKABAYAN AT MGA TRAPO



Dating magkakaaway ngayon ay nagkampi-kampi para sa 2010. Ito ang tuwirang nakita noong Abril 16, 2009 sa mismong founding assembly ng kabubuong koalisyon ni Bayan Muna Representative Satur Ocampo para sa kaniyang balak na pagtakbo bilang senador, ang Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o ang MAKABAYAN. Napag-alaman na ang nabanggit na pagtitipon ay inilunsad upang makakuha ng inaasam-asam na suporta mula sa mga bigating presidential aspirants na tulad nila Senador Manny Villar, Mar Roxas III, Francis Pangilinan and Jamby Madrigal.

Dahil bukod kay Satur Ocampo, ang kaniyang mga kakampi na si Teddy Casiño, Liza Masa at Rafael Mariano ay pare-parehong naghahangad ng mas mataas na pwesto at planong kakandidato sa pagkasenador sa susunod na eleksyon. Sa kasalukuyan, si Teddy ay matagumpay na nakakuha ng matamis na oo mula kay Erap na siya naman agarang isinapubliko na kasama nga ang militanteng mambabatas sa mahiwagang senatorial slate ng UNO. Ang pagkakasama ni Teddy sa line-up ng UNO ay napag-alamang kapalit sa bibigay na suporta ng Bayan Muna sa planong pagpapatakbo sa Union of Masses for Democracy and Justice o UMDJ na kilalang grupo ni ERAP bilang party list group.

Samantala, si Satur at Liza ay matagumpay na napapayag ang mga kasama ni Senador Manny Villar sa kaniyang Nacionalista Party na sila ay suportahan sa dadating na eleksyon at punan ang kanilang pinansyal na pangangailangan sa pagkampanya. Dagdag pa nito, si Rafael Mariano ay panalong-panalo sa matagumpay na pagkakakuha ng suporta ng Liberal Party sa pamumuno ni Senador Mar Roxas III.

Patunay ng nasabing alyansa sa pagitan ng dating magkakaaway, partikular na sa pagitan ni ERAP at mga militante ay ang pagbibigay ng dating pangulo ng P100,000.00 sa mismong aktuwal na assembly. Bukod kay ERAP ay nagbigay din ng tig-iisang daang libong piso (P100,000.00) sina Villar, Pangilinan, Roxas at Madrigal at P50,000.00 naman mula sa bulsa ni Congressman Jose De Venecia Jr para sa MAKABAYAN.

No comments: